Paano pumunta sa Our Lady of Fatima University – Antipolo Campus?
Paglalahad na
Pamamaraan o Pag-sunod sa Panuto
Ang Paglalahad ang isang pamamaraang diskurso na
naglalayong mag-bigay linaw at lubos na panguunawa sa mga mambabasa sa
pamamagitan n g pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang
bagay o sa pamamagitan ng pagbibigay direksyon o mga kaukulang hakbang sa
pagkumpleto ng pagtatapos sa isang Gawain.
Paglalahad ng bawat hakbang kung paano pumunta sa Our
Lady of Fatima University – Antipolo Campus mula sa Concepcion Dos, Marikina
City (isa lamang ito mula sa maraming paraan)
Our Lady of Fatima University - Antipolo Campus |
- Kahit saan parte ka man ng Concepcion Dos, Marikina City magmumula, maaari kang sumakay sa tricycle at sabihin lamang na ikaw ay bababa sa “tulay ng Lilac Street”. Kung ikaw lamang ang pasahero ay dalawampung piso (P20) lamang ang pamasahe ngunit kung ikaw ay may kasama, sampung piso (P10) lamang ang singil kada pasahero.
Tulay ng Lilac Street - Pagkababa sa tulay, may makikita kang isa pang terminal ng mga tricyle. Maaring tumawid sa kalsadang iyon o pumara na lamang at sabihin na ikaw ay bababa sa “Masinag”. Dalawampu’t limang piso (P25) naman ang singil kapag mag-isa ka lamang sasakay at sampung piso (P10) kada pasahero ang singil kapag may ibang pasahero kang kasabay.
Masinag - Sumakay sa jeep na may karatulang “Antipolo” at sabihin lamang na sa “Fatima” ka bababa. Walong piso (P8) lamang ang babayaran mo kapag ikaw ay estudyante o kaya ay Senior Citizen, Siyam na piso (P9) naman bilang minimum fare.
DELOS SANTOS, Ma. Aletheya C.
BSPT 1Y2-1
Comments
Post a Comment